BAKIT MAHIRAP MAGING FRONTLINER SA PILIPINAS?


NURSE NA PUMANAW DAHIL SA COVID-19, P61 LANG ANG DAILY COVID-19 HAZARD PAY?

"Hindi po ito issue sa usapin ng value ng money. Ito ay issue tungkol sa kung ano ba 'yung value na ibinibigay natin doon sa mga nagpapakahirap nating frontline workers ngayon na niri-risk 'yung buhay nila.

Imagine na namatay 'yung nanay ko na 'yun lang pala 'yung katumbas. 'Yun lang 'yung ibinigay na katumbas sa buhay nila."

Nitong July 22, pumanaw ang nurse na si Theresa dahil sa cardiac arrest. Tatlong araw matapos ang kaniyang pagpanaw, doon pa lang lumabas ang resulta ng kaniyang swab test na nagsasabing positibo siya sa COVID-19.

Nang matanggap ng anak ni Theresa ang COVID-19 hazard pay niya, P7,200 lang ang halaga nito kumpara sa inaasahan nilang P30,000. May paliwanag naman si Cainta Mayor Kit Nieto tungkol dito.

Dahil sa sinapit ni Theresa, mas umigting ang panawagan ng kaniyang mga naulilang anak na mabigyang hustisya ang pinagdadaanan ng iba pang mga healthcare worker. 

Tunghayan ang buong kuwento ni Theresa. | #Frontliners

Comments