Isa Na namang Frontliner Ang Pumanaw


NURSE NA PUMANAW DAHIL SA COVID-19, P61 LANG ANG DAILY COVID-19 HAZARD PAY?

Isa ang nurse na si Theresa Cruz sa mga medical frontliner sa bansa ngayong panahon ng pandemya. Taong 2011 nang magsimula siyang magtrabaho bilang isang volunteer nurse sa Cainta Municipal Hospital. Taong 2015 naman noong ma-regular siya rito.


Nitong July 22, pumanaw si Theresa dahil sa cardiac arrest. Tatlong araw matapos ang kaniyang pagpanaw, doon pa lang lumabas ang resulta ng kaniyang swab test na nagsasabing positibo siya sa COVID-19.

Nang matanggap ng anak ni Theresa ang COVID-19 hazard pay niya,  P7,200 lang ang halaga nito kumpara sa inaasahan nilang P30,000. 

Ang paliwanag ni Mayor Kit Nieto ng Cainta, P300 ang napagdesisyunang hazard pay ng Cainta Local Government Unit dahil ito ang kakayahan ng munisipyo.

Umiikot sa P239 kada araw ang regular na hazard pay ni Theresa. Nasa P61 na lang ang idinagdag na COVID-19 Hazard Pay para mabuo ang sumatotal na P300 na hazard pay kada-araw.


Dahil sa sinapit ni Theresa, mas umigting ang panawagan ng kaniyang mga anak na mabigyang hustisya ang pinagdadaanan ng iba pang mga healthcare worker. | #Frontliners

Comments