Anak, Paalam na


#Touching_Story 💔😰

"ANAK PAALAM NA" 

Anak paalam na, 
Si papa sa langit ay uuwi na.
Sinundo na ako ng ating ama,
Na syang saki'y naglikha. 
Anak ako na'y kanyang kinuha,
Katawan ko'y nabura sa lupa. 
Hindi mo na masilayan ang aking mukha,
Lalaki kang di ko man lang maaruga.
Patawad kung wala akong nagawa, 
Ito na ang saki'y nakatakda. 
Alam kong hindi ka pa handa, 
Aking anak masyado ka pang bata. 
Anak paglaki mo maintindihan mo rin, 
Na ang buhay sa mundo di hawak natin. 
Gusto ko sanang manatili sa iyong piling, 
Ngunit wala akong magawa at kelangang tanggapin.
Anak mag pakabait ka, 
Hwag pasaway kay lolo at lola. 
Makining ka lagi sa mga tito at tita, 
Sila ang papalit sa obligasyon na iniwan ko na. 
Anak patawad kung di kita nayakap, 
Sa huling pagkakataon at puso ko'y umiiyak. 
Umalis ako sa atin na buhay, 
Inuwi ako na isang malamig na bangkay. 
Diba miss mo na si papa? Ito ako'y naka uwi na. 
Isipin mo lang na ako'y nagpahinga,
Kaya si papa sa kabaong nakahiga. 
Anak pagmamahal ko iyong damhin, 
Kasabay ng malamig na simoy ng hangin.
Anak kahit wala na ako sa iyong piling, 
Sana hwag mabura ang mga alaala natin. 
Alam kong ipagmalaki mo ako, 
Bayaning ama na sa bayan nag serbisyo. 
Anak lumaki kang mabuting tao, 
Mapagmahal sa kapwa at punong puno ng respeto.
Anak paalam na, 
Uuwi na ako sa tahanan ni ama. 
Pagmamahal ko'y damhin mo pa, 
Babaunin ko ang masasaya nating alaala...

CTTO

Comments